Partial lockdown ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan City sa barangay Sudapin kung saan nakatira ang senior Citizen na nagpositibo sa covid 19.

Isinailalim na sa partial lockdown ang Barangay Sudapin sa Kidapawan City matapos makapagtala ng isang 84-anyos na Positive COVID-19 case.

Ayon kay Brgy Sudapin Chairman John Carl Sibog, ang kanilang Barangay Health Response Team , City Epedimiology and Surveillance Unit at City PNP ay nagbabantay na sa compound ng pamilya ng pasyente.

Upang maibigay naman ang pangangailan ng pamilya magrarasyon ang barangay at maari din umano silang makisuyo sa mga nagbabantay sa kanila.

Sa ngayon ay wala pang nakikitang sintomas sa mga pamilya ng biktima.

Samantala, nanawagan si Chairman Sibog sa mga mamamayan na laging sundin ang mga ipinatutupad na health protocols upang maka-iwas sa covid.

Muli namang nagpaalala si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa mga residente ng barangay Sudapin lalong lalo sa mga vulnerable senior citizen, mga menor de edad at may mga dinaramdam na sakit na iwasan ang paglabas kung hindi naman importante upang maiwasan ang pagkahawa sa Covid 19.

Bago lang ay kinomperma ni Department of Health (DOH) Ang panagawan ay ginawa ng alkalde kasunod nang naitalang dalawang kaso ng covid 19 ang isang senior citizen.

Nagpositibo rin sa Covid 19 ang 38 anyos na babae na may travel history sa Cebu.

Samantala, Tiniyak naman ni Evangelista na mananatili parin sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lungsod ng Kidapawan.

Agad na sumailalim sa swab test ang mga makasalamuha na mga medical personel dalawa dito ay mga doctor at mga kasambahay ng 84 anyos na senior citizen.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *