
May bagong misyon na ang kilabot na chief of police o COP ngayon ng Philippine National Police o PNP na si Chief Insp. Jovie Espenido.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-anunsyo sa bagong assignment ni Espenido bilang COP ng Iloilo City at binanggit ito sa kanyang speech sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani kahapon.
Una nang napasama sa listahan ng narco-politician ni Pangulong Duterte ang mayor ng Iloilo City na si Jed Patrick Mabilog.
Sa talumpati ni Duterte, binigyan pa nito ng pasakalye ang background ni Espenido bago inanunsyo ang bagong misyon sa in-demand na chief of police.
Sinabi ng pangulo na noong ma-assign sa Leyte si Espenido ay namatay si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at noong na-assign naman ito sa Ozamiz City ay napatay din sa anti-drug raid mayor doon na si Reynaldo Parojinog.
Pagkatapos ianunsyo ang bagong misyon ni Espenido, pinaalalahanan ni Duterte ang bagong talagang COP ng Iloilo City Police na sundin ang rules of engagement sa pagsugpo sa illegal na droga.
Muling inulit ng pangulo ang kanyang laging mensahe sa mga pulis na nakahanda siyang suportahan ang mga alagad ng batas na sumusunod sa sinumpaang tungkulin.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)