
Imbes na patawan ng karagdagang buwis ang softdrinks, 3 in 1 coffee at iba pang sugar sweetened beverages o SSB, ang mga sumisira sa kalikasan ang dapat patawan ng karagdagang buwis.
Ito ang isinusulong ni Sen. Juan Miguel Zubiri matapos na ihain ang panukala upang taasan ang ipinapataw na excise tax sa non-metallic at metallic minerals, mineral products at quarry resources.
Nais ni Zubiri na itaas sa 7 percent ang excise tax dito mula sa kasalukuyang karampot na 2 percent sa ilalim ng Senate Bill No. 1541.
Upang maisakatuparan ito, pinaaamiyendahan ng senador ang Section 151 at 287 ng National Internal Revenue Code of 1997.
Tutol si Zubiri na patawan ng P10 per liter ang SSB sa ilalim ng tax reform package ng gobyerno dahil sa mawawasak nito ang sugar industry, lalo na ang mga manggagawang umaasa sa industriyang ito.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)