Ayon kay Ogena, marami umanong opisyal ang nakinabang at nakatanggap ng pera na kinuha ni Kapa founder Joel Apolinario, lalo na ang ilang mga investors at umano’y protektor nito.
Aminado rin itong hindi niya pinakialaman ang Kapa dahil tinututokan niya ang kaniyang sariling agenda para sa lungsod.
Inamin din nito na pati ang kanyang asawa ay nag-invest ng P100,000 ngunit wala itong nakuhang anumang payout.
Naniniwala si Ogena na ang pagkakaaresto kay Joel Apolinario, asawa nito at mga kasabwat sa Surigao del Sur ay mistulang nabigyan na ng hustisya ang mga nabiktimang investors.
Kahapon ang mga nadakip na mga suspek ay isinailalim na sa rapid test para malaman ang kagayan nito ukol sa corona virus o covid 19.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)