Naganap ang insidente sa Cabunuangan Central Elementary School, New Bataan DAVAO DE ORO na ginawang BIU sa barangay Cabinuangan, alas 12:30 nang hating gabi kamakalawa.
Nakilala ang biktima na si Aljay Villavicencio, 33, skilled worker taga New Bataan.
Ayon kay New Bataan Municipal Police Station Chief Captain Churchill Pablo B. Angog, Jr., wala nang buhay nang datnan nila ang biktima na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga sugat sa ibat-ibang parte ng katawan.
SA ginawang follow-up investigation natukoy ang suspek na nakilalang si alyas Rey, 32, taga Compostela na boluntaryong sumuko sa Compostela Municipal Police Station.
Itinuring ni Angog, Jr. na isang “crime of passion” ang motibo sa krimen dahil nagawa ng suspek na patayin ang biktima matapos agawin sa kanyang ang kanyang nobya.
Nabatid na ipinasok sa BIU ang biktima bilang pagsunod sa ipinatutupad na 14 days quarantine protocol dahil bumiyahe ito sa Siargao.
Isinampa naman kahapon ng pulisya ang kakulang kaso laban sa suspek.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)