Weather Update 01-11-18

Weather Update 01-09-18

Weather Update 01-08-18

Weather Update 01-05-18

Weather Update 12-28-17

Weather Update 12-21-17

KARAGDAGANG BUWIS

Imbes na patawan ng karagdagang buwis ang softdrinks, 3 in 1 coffee at iba pang sugar sweetened beverages o SSB, ang mga sumisira sa kalikasan ang dapat patawan ng karagdagang buwis.

Ito ang isinusulong ni Sen. Juan Miguel Zubiri matapos na ihain ang panukala upang taasan ang ipinapataw na excise tax sa non-metallic at metallic minerals, mineral products at quarry resources.

Nais ni Zubiri na itaas sa 7 percent ang excise tax dito mula sa kasalukuyang karampot na 2 percent sa ilalim ng Senate Bill No. 1541.

Upang maisakatuparan ito, pinaaamiyendahan ng senador ang Section 151 at 287 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Tutol si Zubiri na patawan ng P10 per liter ang SSB sa ilalim ng tax reform package ng gobyerno dahil sa mawawasak nito ang sugar industry, lalo na ang mga manggagawang umaasa sa industriyang ito.

PNP Chief Insp. Jovie Espenido may bagong misyon

May bagong misyon na ang kilabot na chief of police o COP ngayon ng Philippine National Police o PNP na si Chief Insp. Jovie Espenido.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-anunsyo sa bagong assignment ni Espenido bilang COP ng Iloilo City at binanggit ito sa kanyang speech sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani kahapon.

Una nang napasama sa listahan ng narco-politician ni Pangulong Duterte ang mayor ng Iloilo City na si Jed Patrick Mabilog.

Sa talumpati ni Duterte, binigyan pa nito ng pasakalye ang background ni Espenido bago inanunsyo ang bagong misyon sa in-demand na chief of police.

Sinabi ng pangulo na noong ma-assign sa Leyte si Espenido ay namatay si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at noong na-assign naman ito sa Ozamiz City ay napatay din sa anti-drug raid mayor doon na si Reynaldo Parojinog.

Pagkatapos ianunsyo ang bagong misyon ni Espenido, pinaalalahanan ni Duterte ang bagong talagang COP ng Iloilo City Police na sundin ang rules of engagement sa pagsugpo sa illegal na droga.

Muling inulit ng pangulo ang kanyang laging mensahe sa mga pulis na nakahanda siyang suportahan ang mga alagad ng batas na sumusunod sa sinumpaang tungkulin.

Matalam North Cotabato

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Alyas Panoy Bakang Roquero, 25-anyos, may asawa at residente ng barangay Taguranao Matalam Cotabato.

Si Roquero ang itinurong suspek sa pagpatay kay Ludie Bueno Perla, 32-anyos, laborer sa Upper Proper, Brgy. Taguranao, Matalam, North Cotabato.

Nabatid sa imbestigasyon ng Matalam PNP, masayang nag-iinuman sa isang bansuhan o saw mill na pag-mamay-ari ni Alyas Bebot Bayjon ang mga ito.

Nagkaroon umano ng di pagkakaintindihan ang dalawa hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo at sinaksak ni Roquero si Perla.

Inundayan nito ng saksak ang biktima hanggang sa mapatay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng Matalam PNP.

Mlang North Cotabato

Pinaalalahanan ngayon ng mga ototirad ang mga magulang na may mga maliliit na anak na bantayan ang mga ito at huwag hayaan na lalabas ng bahay ng walang kasamang mas nakakatanda.

Itoy kasunod ng pagkakamatay ng isang tres anyos na bata sa Magallon B, Brgy. Bialong sa bayan ng Mlang kamakalawa ng mahulog ito sa irrigation canal.

Ang biktima nasi Rogelio Pedoy III, 3 taong gulang, ay nahulog sa irrigation canal ng hindi namalayan ng mga magulang.

Paalala ng mga otoridad, bantayan ang mga kabataan huwag hayaang tumawid sa mga irrigation kanal, sapa maging sa mga balon upang makaiwas sa ganitong pangyayari.