Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (June 24), umabot na sa 32,295 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 470 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 357 ang “fresh cases” habang 113 ang “late cases.”

Nasa 18 na pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,204 na.

Ayon pa sa DOH, 214 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 8,656 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Pinangangambahang ma-bankrupt ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

Pinangangambahang ma-bankrupt ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa susunod na taon kapag nagtuluy-tuloy pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ipinabatid ito ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa kanyang pagharap sa hearing ng senate committee on labor dahil posible aniyang wala nang P1-bilyon ang matira sa trust fund ng ahensya sa pagtatapos ng 2021.

Sinabi pa ni Cacdac na mahigit sa P19-bilyon ang pera ng OWWA sa pagsisimula ng taon subalit napakalaki na ng nabawas dahil sa assistance na ibinibigay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho o kaya ay na-istranded sa ibang bansa.

Bumagsak na rin anya ng mahigit sa 46% ang koleksyon ng ahensya kaya’t hindi na ito halos nadadagdagan.

Ayon kay Cacdac, simula lamang noong ika-15 ng Marso ay mahigit na sa P1-bilyon ang nagamit ng ahensya para sa pagkain, accommodation, shelter, at transportation assistance sa mga OFWs.

Inihayag ni Cacdac na malaking bahagi nito ang nagamit sa mga hotels na nagsilbing quarantine area para sa mga umuwing OFWs at sa mga susunod na araw ay kailangan na rin nilang maglabas ng pondo para sa cash subsidy at scholarship ng mga anak ng mga OFWs na nawalan ng trabaho.

Sinuspinde na ni North Korean Leader Kim Jong Un ang plano nitong military action laban sa South Korea.

Sinuspinde na ni North Korean Leader Kim Jong Un ang plano nitong military action laban sa South Korea.

Batay sa inilabas na ulat ng North Korea state-run media na Rodong Sinmun, napagdesisyunan ito ni Kim Jong Un habang isinasagawa ang preliminary teleconference meeting kasama ang central military commission.

Pinag-aralan kasi ng central military commission ang kasalukuyang sitwasyon ng dalawang bansa kung kaya’t sinuspinde na ni Kim ang military action plan laban sa South na pinaplantsa ng Korean People’s Army.

Matatandaan kasing nagpalipad ng mga lobo ang mga taga-South Korea sa North na mayroong leaflets na puno na kritisismo laban kay Kim Jong Un.

Samantala, hindi naman nilinaw ng dahilan sa likod ng tuluyang pagpapatigil sa military action plan ng North laban sa South Korea.

Inaasahang papalo pa sa 10-milyon ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo

Muling nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong umaga.

Pinangunahan kahapon ng kompanyang Flying V at Petron Corporation ang dagdag presyo na P0.35 kada litro sa gasoline at tig-P0.20 kada litro ng diesel at kerosene na epektibo ngayon alas-sais ng umaga.

Sumunod naman ang kompanyang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kompanya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag-presyo sa kahalintulad na halaga na epektibo rin ngayong umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Base sa report ngayong buwan ng Agosto ay panglimang beses na nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Magtanim ng Kamoteng Kahoy o Balanghoy

Magtanim ng Kamoteng Kahoy o Balanghoy!

Ito ito ang panawagan ng Opisina ng Agrikultura ng Probinsya ng Cotabato.

Kasalukuyang nagaganap ang isang Cassava Technology Training sa mga magsasaka ng probinsya.

40 cassava farmers ang  nabigyan ng techology assistance mula sa San Miguel Corporation ng Davao City at Ricor Mills ng Maramag, Bukidnon.

Layunin ng training na maipa-abot ang mga panibagong teknolohiya sa pagtatanin ng kamoteng kahoy gaya ng land preparation, planting distance, fertilization, pest/ diseases, at harvesting.

Pinangungunahan nito ni Mr. Jimmy Cansenaje, President ng  True Green Initiative Cooperativenang pagbibigay ng pamamaraan.

Kasali rin ang pagbigay sa training ang marketing oppurtunities na kung saan pinuri ni Mr. Noel Carlo Simene, representive ng Ricor Mills, si Governor Nancy Catamco sa ginawang training para sa mga cassava farmers. Ayon pa sa kanya, ang probinsya lang ng North Cotabato ang may ganitong ginawa sa buong Mindanao.At dahil dito, meron na agad napagkasunduan na prioridad ng Ricor Mills ang lahat ng taga North Cotabato sa pagbili ng kanilang produkto na kamoteng kahoy.

Kaya naman isang malaking paga-asa para sa mga cassava farmers na dumalo sa nasabing training.

Maliban sa training,  mabibigayan ng planting materials, fertlizer at technical assistance mula sa probinsya ang gustong mag tanim ng kamoteng kahoy.

Kaya hinihikayat ng OPAG na ang pagtanim ng cassava o kamoteng kahoy o balinghoy o bengala ay isang mainam na dagdag kita sa buhay ng isang magsasaka.

Dumalo rin sa nasabing traning  si BM Maria Krista Piñol Solis, ang Chairman ng Committee on Agriculture.

Mahigpit nang ipinagbabawal sa lungsod ng Kidapawan ang back riding sa motorsiklo o angkas

Mahigpit nang ipinagbabawal sa lungsod ng Kidapawan ang back riding sa motorsiklo o angkas bilang pagtalima sa kautusan ng Inter-agency Task Force on covid 19 upang maipatupad ang physical distancing.

Ayon kay City Mayor Joseph evangelista magpapalabas siya ng executive order upang maipatupad ng mga kina-uulang ahensya ngpamahalaan.

dahilan dito, mababaliwala na ang unang inilabas na couples pass na nagpapahintulot para makaangkas sa motorsiklo.

samantalang binigyang diin ni evangelista na mananatili sa dalawa lamang ang maaring isakay na mga pasahero sa mga tricycle.

Partial lockdown ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan City sa barangay Sudapin kung saan nakatira ang senior Citizen na nagpositibo sa covid 19.

Isinailalim na sa partial lockdown ang Barangay Sudapin sa Kidapawan City matapos makapagtala ng isang 84-anyos na Positive COVID-19 case.

Ayon kay Brgy Sudapin Chairman John Carl Sibog, ang kanilang Barangay Health Response Team , City Epedimiology and Surveillance Unit at City PNP ay nagbabantay na sa compound ng pamilya ng pasyente.

Upang maibigay naman ang pangangailan ng pamilya magrarasyon ang barangay at maari din umano silang makisuyo sa mga nagbabantay sa kanila.

Sa ngayon ay wala pang nakikitang sintomas sa mga pamilya ng biktima.

Samantala, nanawagan si Chairman Sibog sa mga mamamayan na laging sundin ang mga ipinatutupad na health protocols upang maka-iwas sa covid.

Muli namang nagpaalala si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa mga residente ng barangay Sudapin lalong lalo sa mga vulnerable senior citizen, mga menor de edad at may mga dinaramdam na sakit na iwasan ang paglabas kung hindi naman importante upang maiwasan ang pagkahawa sa Covid 19.

Bago lang ay kinomperma ni Department of Health (DOH) Ang panagawan ay ginawa ng alkalde kasunod nang naitalang dalawang kaso ng covid 19 ang isang senior citizen.

Nagpositibo rin sa Covid 19 ang 38 anyos na babae na may travel history sa Cebu.

Samantala, Tiniyak naman ni Evangelista na mananatili parin sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lungsod ng Kidapawan.

Agad na sumailalim sa swab test ang mga makasalamuha na mga medical personel dalawa dito ay mga doctor at mga kasambahay ng 84 anyos na senior citizen.

 

Confirmed positive covid 19 case sa lalawigan ng Cotabato apat na

Tatlong bagong kumpirmadong kaso ng covid 19 ang naitala sa lalawigan ng Cotabato batay sa ulat na inilabas ng Center for health and Development ng Department of health soccsargen kahapon.

Si 7th case: isang 38 year old na babae na taga Tulunan Cotabato namay travel history sa Cebu at dumating sa lalawigan noong June 16, 2020, asymptomatic unang nagnegative sa isinagawang antibody rapid test subalit noong June 19 habang nasa Tulunan Isolation Facility nakaranas ito ng lagnat na agad namang ginawan ng  monitoring at medical intervention ng Tulunan Municipal Health Office o MHO subalit noong  June 22 nakaranas ito ng hirap sa paghinga dahilan upang agad inilipat sa USM Hospital Isolation Facility.

Matapos nailipat agad itong kinunan ng swab test at lumabas sa resulta na positibo ito sa covid 19, bagaman nakakaranas parin ng ubo ang pasyente nasa  stable condition naman ito.

Si 8th case na isang 20 year na lalaki ay taga Kidapawan City may travel history sa Davao City at may history ng exposure sa isang pasyente na confirmed positive case.

Noong  June 20, nakaranas ng lagnat at pananakit ng katawan ang biktima  dahilan upang agad dinala sa USM Hospital Isolation Facility.

Habang nasa isolation Facitity ay wala nang ipinakitang sintomas at nasa stable condition na habang nagsasagawa naman ng Contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Si 9th case naman ay isang 84 year old na lalaki at taga Kidapawan City rin walang exposure sa pasyenteng may covid subalit nagtungo sa isang hospital sa lalawigan ng Cotabato at dalawang hospital sa Davao City.

Sa kasalukuyan ay may respiratory symptoms habang nakaratay sa Southern Philippines Medical Center sa  Davao City.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng  Contact tracing ang Kidapawan City Health Office kung saan ang 23 hospital personnel at 7 close family members na nakasalamuha nito ay isinailalim na sa isolation.

patuloy namang hinihintay nang tatlong bagong pasyente ng covid 19 sa lalawigan ng Cotabato ang kanilang assign PH number.

Inaprubahan ang hinininging pang walong supplemental budget na nagkakahalaga ng 13.5 milyon pesos na budget para sa covid 19

Matapos ang matinding balitaktakan sa sangguniang panglungsod inaprubahan nito ang hinininging pang walong supplemental budget na nagkakahalaga ng 13.5 milyon pesos na budget para sa covid 19.

Ayon kay City Councilor Lauro Taynan ang pagbili ng centrifuge machine upang matugunan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod at pambili ng Personal Protective Equipment o PPe sa pagbaka sa Covid 19.

maliban dito pinaglaan din ng pundo ang pagbili ng mga plastic na magiging partition sa mga tricycle bilang suporta sa mga tricycle driver and operator.

Matatandaan naging mainit ang paghingi nang dagdag na pundo ng mayor office matapos nanindigan si Vice Mayor Jivjiv Bombeo na kailangan muna maghatid ng ulat si mayor joseph evagenista sa mga unang pundo na ibinigay inaprubahan ng sp.

naging usapin din ang panunuhol sa ilang member ng city council upang madaliin ang pag-apruba sa nasabing supplemental budget.

voice clip – 

Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng hindi pa kilalang salarin habang sakay ng motorsiklo

Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng hindi pa kilalang salarin habang sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Purok Baliktaran Barangay Poblacion Kidapawan kahapon.

Nakilala ang biktima nasi Benjie Dedictor taga Bohol at pansamantalang nanunuluyan sa kanyang kamag-anak sa Kibia Matalam Cotabato.

Ayon kay Kidapawan Chief Of police Lt. Col. Ramil Hojilla dating nagtatrabaho ang biktima sa Bulcachong, matapos umalis sa trabaho ay kahit saan na ito pumupunta.

wala pang matukoy na motibo ang mga otoridad kayat nagpapatuloy ang  i8mbestigasyon para matukoy kung sino ang salarin.

Voice clip of Police Lt. Col. Ramil Hojilla –